Ang Tatlong Maliliit Na Baboy (Kuwentong Pambata)



Isang pabula/kuwentong pambata hango sa "Three Little Pigs".


May tatlong biik na nagdesisyong maglakbay upang hanapin ang kanilang kapalaran. Napag-usapan ng mga biik na kapag nakakita sila ng maayos na lugar para sa kanila ay sisimulan na nilang magtayo ng bahay.

May pagkatamad ang unang biik kung kaya't nagtayo siya ng sarili niyang bahay na gawa sa mga dayami. Isang araw dumating ang isang malaking lobo, sa isang malakas na pag-ihip lamang ay napatumba nito ang bahay na ginawa ng unang biik.

Sa takot na makain ng lobo ang unang biik ay nagtatakbo siya patungo sa ikalawang biik.

Wais naman si pangalawang biik kaya nagtayo siya ng kanyang bahay na gawa sa kahoy at pawid, ngunit nang dumating nanaman ang malaking lobo, natulad lamang ang kanyang bahay sa naunang biik. Sa takot ng dalawang biik ay nagtatakbo naman sila patungo sa bahay ng ikatlong biik.

Ang ikatlong biik ay masipag at matalino. Nagtayo siya ng bahay na gawa sa bato.

At hindi nga nagtagal ay dumating na ang malaking lobo. Hinipan nito ng paulit-ulit ang bahay ng ikatlong biik, ngunit hindi siya nagtagumpay. Naiisip ng lobo na magdaan sa chimineya upang makapasok sa loob.

Dahil sa nangyari sa naunang dalawang bahay ng mga biik. Naglagay sila ng apoy at nagsalang doon ng mainit na tubig upang sa gano'n ay mapaso at masunog ang lobo kung sakali mang dumaan ito sa chimineya. At ganoon nga ang nangyari, nagdaan sa chimineya ang lobo at doon tuluyang napaso. Nagtatakbo ang lobo sa sakit at hindi na muling nagbalik.



Ang Tatlong Maliliit Na Baboy (Kuwentong Pambata) Ang Tatlong Maliliit Na Baboy (Kuwentong Pambata) Reviewed by Jim Lloyd on 11:04 AM Rating: 5

1 comment:

Unknown said...

Who is the director

ads
Powered by Blogger.