Ano ang Cryptocurrency at Paano Kumita Dito?

 



Ano nga ba ang Cryptocurrency?

Ano ang crypto? Yan ang kadalasang tanong ng marami na hindi pamilyar sa crypto. Ang isang cryptocurrency (o "crypto") ay isang digital currency na maaaring magamit upang bumili ng mga kalakal at serbisyo, ngunit gumagamit ng isang online ledger na may malakas na cryptography upang ma-secure ang mga online na transaksyon. Maihahantulad ito sa iba pang pera gaya ng Philippine Peso, US Dollars at Japanese Yen na ginagamit sa kalakal ngunit ang kaibahan ay ito ay digital at encrypted.



Gumagamit ang Cryptocurrency ng blockchain. Ito ay desentralisadong teknolohiya gamit ang maraming computer upang pamahalaan at itala ang mga transaksyon.


Gaano karami ang mga cryptocurrency sa mundo? Ano ang halaga ng mga ito?

Mahigit sa 6,700 iba't ibang mga cryptocurrency ang ipinagbibili sa publiko, ayon sa CoinMarketCap.com, isang website sa pananaliksik sa merkado. At ang mga cryptocurrency ay patuloy na dumarami, nagtataas ng pera sa pamamagitan ng mga initial coin offerings, o ICO. Ang kabuuang halaga ng lahat ng mga cryptocurrency noong Peb. 18, 2021, ay higit sa $ 1.6 trilyon, ayon sa CoinMarketCap, at ang kabuuang halaga ng lahat ng mga bitcoin, ang pinakatanyag na digital na pera, ay nakakuha ng halos $1.2 trillion o 3x ng GDP ng Pilipinas noong 2020.


Best Cryptocurrencies by Market Capitalization (April 2021)

Cryptocurrency

Market Capitalization

Bitcoin

$1.2 trillion

Ethereum

$263.4 billion

Binance Coin

$87 billion

XRP

$81.8 billion

Tether

$45.4 billion

Cardano

$44.7 billion

Polkadot

$39.3 billion

Uniswap

$18.8 billion

Litecoin

$18.1 billion

Stellar

$14.9 billion


Paano kumita sa Crypto?

Kikita ka sa crypto dahil ang presyo nito ay nagbabago sa pag-daan ng panahon. Halimbawa, kung noong October 2020 ay nakabili ka ng bitcoin na may katumbas na halaga na P1,000.00 pagkalipas ng anim na buwan ang iyong P1,000 worth of bitcoin ay magiging P6,000 na. Ito ay dahil sa paglaki ng presyo ng bawat unit ng Bitcoin mula $10,000 noong October 2020 ay naging $60,000 sa kasalukuyang April 2021. Kung ethereum naman ang binili mo noong October 2020 sa halagang P1,000, ang halaga ng ethereum mo ngayong April 2021 ay higit P10,000 na sapagkat sa panahong iyon tumaas ang ethereum mula $200 to $2000. Ayon sa prediksyon, patuloy pang tataas ang presyo ng mga crypto dahil maraming institusyon at bansa ang kinikilala ang kahalagahan ng crypto sa kalakal ng hinaharap.


Saan makakabili ng Crypto?

Maraming platform ang nagbebenta at bumibili ng crypto. Ilan sa mga recommended ko ay ang mga sumusunod:


COINS.PH

Available cryptocurrencies: (4) Bitcoin(BTC), Ethereum(ETH), Bitcoin Cash(BCH), Ripple (XRP)


Dahil Philippine-based ang COINS.PH, mas madali ang pagbili ng digital currencies gaya ng bitcoin at ethereum gamit ang platform. E-download ang app sa PLAYSTORE o sa app store, search mo lang ang Coins.PH. Mag-register at e-verify ang email, phone number, identity at selfie. E-click ang link na ito upang malaman ang steps paano bumili ng crypto gamit ang Coins.PH.


BINANCE.COM

Available cryptocurrencies: More than 150.


Ayon sa website ng Binance, ito ang world's #1 cryptocurrency platform by trading volume. Marami kang mabibili ditong crypto coins gaya ng DOGE, WIN, HOT, ONE, at iba pa na marahil ay wala sa ibang platform. Isa sa magandang feature ng Binance.com ay P2P trading kung saan puwede kang bumili ng coins sa ibang user ng site (at walang processing fee) gamit ang bank transfer at Gcash. Sa unang tingin, mukhang mahirap gamitin ang platform na ito dahil sa dami ng chart at information na makikita sa screen. Ngunit kung aaraling mabuti, madaling gamitin ang app. Kung may P1,000 o higit pa sa Gcash ay pwede ka nang magsimulang mag-trade. E-download ang app sa PLAYSTORE at app store. Mag-register sa Binance gamit ang registration link na ito upang makakuha ng up to 20% commission sa iyong mga trades.



COINBASE

Available cryptocurrencies: More than 30.


Ang Coinbase ay isa sa pinaka-popular dahil maaari kang direktang mamuhunan gamit ang USD. Maaari kang bumili ngayon ng Bitcoin, Ethereum, at Litecoin at 30+ iba pang mga barya at token sa platform. Bukod dito, maaari kang makakuha ng interes sa iyong USDT, at maaari kang makakuha ng mga gantimpala ng token sa pamamagitan ng pagkumpleto ng iba't ibang mga aktibidad. 

Ano ang Cryptocurrency at Paano Kumita Dito? Ano ang Cryptocurrency at Paano Kumita Dito? Reviewed by Jim Lloyd on 5:03 AM Rating: 5

2 comments:

Unknown said...

Kumita po ba kayo? Tips please.

Roger said...

This is a great post, I love this investing strategy, you can also invest in horse racing lotteries to earn hell money.

ads
Powered by Blogger.