Daily Lesson Plan: EsP Grade 5 (Q2, Week 6.4)


Daily Lesson Plan
Subject: Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP 5)
Baitang: Grade 5
Markahan: Ikalawang Markahan
Q2, Day 4 of Week 6


I. LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman: 
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipagkapwa-tao at pagganap ng mga inaasahang hakbang, pahayag at kilos para sa kapakanan at ng pamilya at kapwa.

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang inaasahang hakbang, kilos at pahayag na may paggalang at pagmamalasakit para sa 
kapakanan at kabutihan ng pamilya at kapwa.

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nakapagsisimula ng pamumuno para makapagbigay ng kayang tulong para sa nangangailangan at sa mga biktima ng kalamidad, pagbibigay ng babala o impormasyon kung may bagyo, baha, sunog, lindol at iba pa

II. NILALAMAN

Mga Karapatan Mo, Igagalang Ko

III. KAGAMITAN

Paksa/Pagpapahalaga: Pagkamagalang (Respectful)
Mga Kagamitan: Activity card, larawan (power point), weighing scale
Integrasyon : Sining, Sibika at Kultura, Mathematics

IV. PAMAMARAAN

i. BALIK ARAL/PANIMULANG GAWAIN

Pasagutan ang Gawain sa Isabuhay natin sa kagamitan ng mag-aaral

ii. PAGGANYAK



iii. PAGTALAKAY NG ARALIN

Sa bahaging ito ay magkakaroon ng pagpapalalim ng konsepto ng paksa. Subuking palabasin ulit ang mga dapat tandaan tungkol sa paggalang sa mga dayuhan. Sikaping masabi ng mag-aaral ang kahalagahan nito upang mapanatili natin ang pagiging isang mabuting Pilipino na marunong gumalang sa karapatan ng iba.

iv. PAGLALAHAT

Ang paggalang ay isang kaugaliang positibo. Naipapakita natin sa maraming paraan. Ito ay nagmula sa pagkilala natin ng lubos sa Poong Maykapal, pagmamahal sa Diyos at pagsunod sa kanyang mga aral. Ang pagiging may alam o edukado sa mga mabubuting asal ang higit na kinakikitan ng paggalang. Dahilan ng ating pagiging mapagmahal sa kapwa ay nagawa natin silang respetuhin at binibigyan ng halaga. Ilan sa mga halimbawa ay ang pagmamano sa nakatatanda, pagsasabi ng “po at opo” at pagpapakumbaba.

Sa panahon ngayon, maaring maihahalintulad natin ang sitwasyon na kapag may matandang babae na sumasakay sa bus at wala ng upuan, buong ipinagkakaloob mo ang iyong puwesto sa ikabubuti ng matanda. Hindi lang natin ito magagawa sa tao lamang kundi pati na rin sa iba pang mga bagay tulad ng pagdidilig ng mga halaman at pag-aalaga ng mabuti sa hayop.

Ang paggalang sa ibang tao ay nagdudulot sa kapaligiran ng katiwasayan, katahimikan, at kaayusan sa pamayanan at higit sa lahat ay nagbibigay ng kagaanan ng ating loob.

v. PAGTATAYA

Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito para maipakita ang pagmamalasakit mo sa iyong kapwa. Ilahad ang iyong magiging damdamin.

1. Bumili ka isang araw sa grocery ng gatas ng kapatid mo. Di sinasadyang nakakita ka ng isang lalaking kumukuha nang paninda. Ano ang iyong gagawin?
2. Namamasyal kayo ng nakababatang kapatid mo sa mall. Bigla ninyong naramdaman na yumayanig ang kapaligiran. Ano ang iyong gagawin?
3. May kapitbahay kang hirap sa buhay. May sakit ang kanyang anak at nangangailangan ng tulong upang ipambili ng gamot. Ano ang iyong gagawin?
4. Nakita mong hirap ang isang matanda sa pagtawid sa kalsada. Tutulungan mo ba siya? Bakit
5. Nanghihingi ng tulong sa iyo ang iyong kamag-aaral sa inyong takdang-aralin.  Alam mong tinatamad lamang siya at nais lamang niyang makapangopya ng takdang-aralin. Tutulungan mo ba siya? Ano ang iyong gagawin?


Daily Lesson Plan: EsP Grade 5 (Q2, Week 6.4) Daily Lesson Plan: EsP Grade 5 (Q2, Week 6.4) Reviewed by Jim Lloyd on 1:02 AM Rating: 5
ads
Powered by Blogger.