Mga Antas ng Wika At Halimbawa




Antas ng Wika

Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang katigorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan.


1. Formal at di-formal – di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad samantalang formal naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda.

  • Pormal - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami.
  • Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.


2. Lingua franca – wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga tao


3. Lalawiganin – mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikang lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng isang lalawigan

Halimbawa:
Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!)


4. Kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga salita ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito. 

Halimbawa: /tena/ para sa 'tara na', /pre/ para sa 'pare'


5. Edukado/malalim, pambansa – wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa gobyerno, sa korte at iba pang venyung profesyunal

Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan


6. Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.

Halimbawa: Kahati sa buhay, Bunga ng pag-ibig Pusod ng pagmamahalan


7. Balbal o pangkalye – wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may kanya-kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla.

Halimbawa ang mga salitang ‘eklavush’, ‘erpat at ermat’ at ‘cheverloo’. Chicks (dalagang bata pa), Orange (beinte pesos), Pinoy (Pilipino).


Karaniwang paraan ng pagbuo ng salitang balbal:

  • Paghango sa mga salitang katutubo

            Halimbawa: Gurang (matanda), Bayot (bakla), Barat (kuripot)

  • Panghihiram sa mga wikang banyaga

            Halimbawa: Epek (effect), Futbol (naalis, natalsik), Tong (wheels)

  • Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog

            Halimbawa: Buwaya (crocodiles – greedy), Bata (child – girlfriend), Durog (powdered – high in addiction), Papa (father – lover)

  • Pagpapaikli

            Halimbawa: Pakialam – paki, Tiyak – tyak

  • Pagbabaliktad 

            Halimbawa: Etneb – bente, Kita – atik

  • Papantig

            Halimbawa: Dehin – hindi, Ngetpa – Panget, Tipar – Parti

  • Paggamit ng Akronim

            Halimbawa: G – get, nauunawaan, US – under de saya

  • Pagpapalit ng Pantig

            Halimbawa: Lagpak – Palpak, Bigo, Torpe – Tyope – torpe, naduwag

  • Paghahalo ng salita

            Halimbawa: Bow na lang ng bow, Mag-jr (joy riding), Mag-gimik, Mag-MU

  • Paggamit ng Bilang

            Halimbawa: 45 – pumutok, 1433 – I love you too, 50-50 – naghihingalo

  • Pagdaragdag

            Halimbawa: Puti – isputing, Kulang – kulongbisi  

  • Kumbinasyon - Pagbabaligtad at Pagdaragdag

            Halimbawa: Hiya – Yahi – Dyahi

  • Pagpapaikli at pag-Pilipino

            Halimbawa: Pino – Pinoy, Mestiso – Tiso, Tisoy

  • Pagpapaikli at Pagbabaligtad

            Halimbawa: Pantalon – Talon – Lonta,  Sigarilyo – Siyo – Yosi

  • Panghihiram at Pagpapaikli

            Halimbawa: Security – Sikyo, Brain Damage – Brenda

  • Panghihiram at Pagdaragdag

            Halimbawa: Get – Gets/Getsing, Cry – Crayola

        



Mga Antas ng Wika At Halimbawa Mga Antas ng Wika At Halimbawa Reviewed by Jim Lloyd on 3:40 AM Rating: 5

No comments:

ads
Powered by Blogger.