Ang Alamat ng Bahaghari
Sa simula pa lamang, mayroon ng pitong kulay dito sa mundo. Sila ay sina Pula, Kahel, Dilaw, Luntian, Bughaw, Indigo at Lila.
Inatasan sila ni Bathala na magbigay ng kulay dito sa mundo ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi silamagkasundo-sundo. Sinabi ni Bathala, na magtulong-tulong at magbigayan sa lahat ng oras sa isa't-isa ngunit hindi nila ito ginagawa. Patuloy silang hindi nagkakasundo sa iba't ibang bagay. Palagi silang nagkakaroon ng kumpitensya sa isa't-isa lalo na sa oras ng kanilang trabaho. Sabi ni Luntian, "Ako ang pinakamaraming nagawa dito kaya nararapat lamang na ako ang mabigyan ni Bathala ng gantimpala." Ngunit sumagot si Bughaw, "Anong sinasabi mo dyan na ikaw ang maraming nagawa? Hindi hamak na mas marami ang ambag ko kaysa iyo. Tingnan mo na lamang ang karagatan at ang kalangitan, at iyong makikita ang aking pinaghirapan kung kaya ako ang nararapat na mabigyan na sinasabi mong gantimpala." Ngunit hindi pa natapos ang alitan, bagkus ay lalo pa itong lumala dahil nakisali sa usapan ang iba pang mga kulay. Nagpapagalingan sila ng nagpapagalingan. Pasikatan ng pasikatan at walang nagpapatalo. Gusto nilang lahat na mabigyan ng gantimpala, kaya lalong tumindi ang kanilang kumpitensya. Nagkagulo sila dahil sa kanilang pagtatalo.
Narinig ni Bathala ang nangyayari, ang pagtatalo ng mga kulay. Dahil dito, nagalit si Bathala. Pinarusahan sila nito. Sinabi niya, "dahil hindi kayo magkasundo, paparusahan ko kayo ng ayon sa inyong kagustuhan.Dahil palagi kayong magkakakumpitensya, gusto kong malaman ninyo ang kahalagahan ng kooperasyon sa isa't-isa. Ang kahalagahan ng bawat isa sa inyo. Mula ngayon hanggang sa habang buhay. Gagawin ko kayong isa upang nang sa gayon ay maramdaman ninyo ang inyong kahalagahan at kagandahan ng bawat isa sa inyo."
Kung kaya, pinagsama ni Bathala ang pitong kulay. Pinagdikit dikit niya ang mga ito. At dahil sa sobrang nagalit si Bathala kung kaya siya ay nahabag sa pagiyak. At nagtago ang mga kulay sa takot kay Bathala. Lumabas na lamang sila pagkatapos umiyak ni Bathala. Ngunit laking gulat nila nang sila'y lumabas ay dikit-dikit na sila. Hindi na nila mapaghiwalay ang kanilang mga sarili kahit anong pilit nila. At nalaman nila na mula sa pito, sila'y naging isa.
Sa pangyayaring iyon, sinasabing si Bathala na kanilang hari ay nahabag. Kung kaya ngayon, ang habag na hari na pinagmulan ng mga ito ay sa paglaoy naging bahaghari.Ang pitong kulay ay tinawag na bahaghari. Mapupuna natin ngayon na ang bahaghari ay lumalabas na lamang pagkatapos ng ulan na nangangahulugang pagiyak ni Bathala. At makikita natin dito ang pitong kulay na naging isa na hanggang sa ngayon ay tinatatawag nating BAHAGHARI.
KUWENTONG ALAMAT
- Mga Alamat ng Hayop
- Mga Alamat ng Prutas
- Mga Alamat ng Pook o Lugar
- Mga Alamat ng Halaman
- Mga Alamat ng Gulay
- Iba Pang Kuwentong Alamat
- Lahat ng Mga Kuwentong Alamat
Ang Alamat ng Bahaghari
Reviewed by Jim Lloyd
on
8:49 PM
Rating: