Mga Bugtong (Part 1)



Ang bugtong ay isang pahayag o tanong o parirala na may doble o nakasalalay na kahulugan, na inilagay bilang palaisipan upang malutas. Narito ang ilan sa mga tanyag na bugtong ng Pilipinas:


"Dalawang bolang itim, malayo ang nararating." 

Sagot: Mata

"Hindi tao, hindi hayop, ngunit lumuluha" 

Sagot: Kandila

"Ayan na si kaka, bubuka bukaka" 

Sagot: Palaka

"Isang Prinsesa, nakaupo sa tasa"

Sagot: Kasoy

"Binili ko ng patay, tinapon ko ng buhay"

Sagot: Sigarilyo 

"Baboy ko sa gulod, balahibo'y pako" 

Sagot: Langka 

"Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat" 

Sagot: Ampalaya 

"Isang butil ng palay, sakot ang buong bahay"

Sagot: Ilaw 

"Ako'y may kaibigan, kasama-sama kahit saan" 

Sagot: Anino

"Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon." 

Sagot: Banig

"Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari." 

Sagot: Zipper 

"Munting hayop na pangahas, aaligid aligid sa ningas."

Sagot: Gamugamo

"Tinaga ko sa puno, sa dulo nagdurugo"

Sagot: Gumamela

"Naabot na ng kamay, pinagawa pa sa tulay" 

Sagot: Kubyertos
Mga Bugtong (Part 1) Mga Bugtong (Part 1) Reviewed by Jim Lloyd on 4:59 AM Rating: 5

No comments:

ads
Powered by Blogger.