Si Pagong At Si Matsing (Pabula)




Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging. Nagpasya ang magkaibigan na paghatian ang puno. Kinuha ni Matsing  ang parteng itaas ng puno dahil iniisip niya na sapagkat may maraming dahon na ang bahaging kanyang nakuha ay madali itong mamumunga. Kinuha naman ni Pagong naiwang ibabang bahaging may ugat. 


Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at nilalagyan ng pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang isang linggo, nalanta ang tanim na saging ni Matsing. Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa puno ng saging. Lalo nitong inalagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na hitik.

Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni Pagong. Di naglaon nagyaya na si Matsing na kainin na ang saging na tumubo sa puno ni Pagong at pumayag naman ito. Ngunit hindi makakaakyat si Pagong kung kaya nangako si Matsing na siya na lamang ang aakyat sa puno at lalaglagan na lamang niya ng saging si Pagong. Pumayag si Pagong sa alok ni Matsing. 

Subalit nang makarating na si Matsing sa taas ng puno kinain niya ang lahat ng bunga ng puno. Wala itong itinira para kay Pagong nanatili sa taas ng puno si Matsing at nakatulog ito sa sobrang kabusugan. Galit na galit si Pagong kay Matsing sa ginawa nito sa kanya. Kung kaya habang natutulog ito sa sobrang kabusugan naglagay ng mga tinik sa ilalim ng puno si Pagong. Nang magising si Matsing ay nakita niya ang tinik kaya’t humingi ito ng tulong kay Pagong. 

Ngunit tumangging tumulong si Pagong at iniwan na lamang doon si Matsing. Makalipas ang sandali nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa si Matsing kundi bumaba sa puno ng saging. Nasaktan ito sa mga tinik na nakatusok sa puno ng saging sa kanyang pagbaba. Kaya nangako siya sa sarili na gaganti siya kay Pagong.

Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing, ay hinanap niya si Pagong. Nakita niya itong naglalakad sa may kakahuyan. Kinuha ni Matsing si Pagong na takot na takot. Nagtanong si Pagong kung anong gagawin nito sa kanya, at sinabi ni Matsing na tatadtarin siya nito ng pinung-pino. Nag-isip ng paraan si Pagong para maisihan ang tusong Matsing. Kaya ang sambit nito kay Matsing na kapag tinadtad siya nito ay dadami siya at susugurin siya ng mga ito at kakainin. Nag-isip nang malalim si Matsing at naisip nito na sunugin na lamang si Pagong, ngunit nangatwiran na naman si Pagong na hindi naman tinatablan ng apoy ang kanyang makapal at matibay na bahay. Kaya muling nag-isip si Matsing, hanggang sa maisipan niyang pumunta sa dalampasigan at doon na lamang itapon si Pagong. Lihim na natuwa si Pagong. Nagpanggap itong takot sa dalampasigan.

Tuwang-tuwa si Matsing sa pag-aakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo lakas niya itong itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong lumangoy si Pagong. Ang bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa lupa, ay parang ang gaan ng katawan nito sa tubig. At naghalakhak si Pagong na sabihin kay Matsing na naisahan din kita matsing dahil gustung-gusto ko na lumangoy sa dalampasigan. Malungkot na umuwi si Matsing. Naisip niya na napakasakit pala na maisahan ng isang kaibigan. Naramdaman niya kung paano masaktan kapag naloloko ng isang kaibigan.

Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila muling nagkita ni Pagong.

ARAL: 
Huwag gamitin ang dunong o talino upang makalamang sa kapwa. Ang iyong mga masamang gawi ay babalik din sa iyo kaya't huwag gagawa ng mga bagay na ikakapahamak ng iba. Kahit gaano tayo kagaling ay darating ang panahong kakailanganin natin ang tulong ng iba. Tandaan, tuso man ang matsing ay napaglalalangan din.
Si Pagong At Si Matsing (Pabula) Si Pagong At Si Matsing (Pabula) Reviewed by Jim Lloyd on 4:47 AM Rating: 5

4 comments:

Unknown said...

Magandang buhay po. Maaari ko po bang magamit ang buod ng Si Pagong at si Matsing sa aming ginagawang moyul kung pahihintulutan po? Maraming salamat po.God bless.

Unknown said...

Permission to use the magandang aral. Salamat po

Kenrick Binoya said...

Somebody said you got a new friend
Does she love you better than I can?
And there's a big black sky over my town
I know where you're at, I bet she's around
And yeah, I know it's stupid
But I just gotta see it for myself
I'm in the corner, watching you kiss her, oh
I'm right over here, why can't you see me? Oh
And I'm giving it my all
I'm not the guy you're taking home, ooh
I keep dancing on my own, ah
I just wanna dance all night
And I'm all messed up, I'm so out of line, yeah
Stilettos and broken bottles
I'm spinning around in circles
And I'm in the corner, watching you kiss her, oh
And I'm right over here, why can't you see me? Oh
And I'm giving it my all
But I'm not the guy you're taking home, ooh
I keep dancing on my own
And oh, nah
So far away but still so near
The lights come on, the music dies
But you don't see me standing here
I just came to say goodbye
I'm in the corner, watching you kiss her, oh
And I'm giving it my all
But I'm not the guy you're taking home, ooh
I keep dancing on my own
And oh, nah
Said, I'm in the corner, watching you kiss her, oh no
And I'm right over here, why can't you see me? Oh no
And I'm giving it my all
But I'm not the guy you're taking home, ooh
I keep dancing on my own
So far away, but still so near
The lights come on, the music dies
But you don't see me standing here

Anonymous said...

Magandang gabi po, nais ko po sanang magamit ang kwento at aral na iyong ginawa kung ako ay inyong pahihintulutan para sa aming reporting ngayon darating na setyembre 26, 2023 (Tuesday)
Hoping for your response.

Thank you and God bless!

ads
Powered by Blogger.