Si Langgam At Tipaklong (Pabula)


Isang pabula hango sa "The Ant and the Grasshopper" ni Aesop.

Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na gising na si Langgam. Nagluto siya at kumain. Ilang sandali pa, lumakad na siya. Gaya ng dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong. 

"Magandang umaga kaibigang Langgam," bati ni Tipaklong. "Kay bigat ng iyong dala. Bakit ba wala kanang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?"

"Oo nga, nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon," sagot ni Langgam.

"Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Habang maganda ang panahon, tayo ay magsaya. Halika, tayo ay lumukso. Tayo ay kumanta."

"Ikaw na lang kaibigang Tipaklong," sagot ni Langgam. "Gaya ng sinabi ko sa iyo, habang maganda ang panahon ako ay naghahanap ng pagkain. Ito'y aking iipunin para ako ay may makain pag sumama ang panahon."

Lumipas pa ang maraming araw, dumating na ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa gabi umuulan pa rin. At dumating ang panahong kumidlat, kumulog at lumakas ang hangin kasabay ang pagbuhos ngmalakas na ulan. Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kaawa-awang Tipaklong. Naalala niyang puntahanang kaibigang si Langgam. Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam. Bahagya na siyang makalukso. Wala na ang dating sigla ng masayahing si Tipaklong.

"Tok! Tok! Tok!" 

Nang buksan ni Langgam ang pinto nagulat siya."Aba! Ang aking kaibigan," wika ni Langgam. "Tuloy ka Tipaklong."

Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Mabilis na naghanda siya ng pagkain. Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang magkaibigan.

"Salamat, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Ngayon ako naniniwala sa iyo. Kailangan nga palang mag-ipon habang maganda ang panahon at nang may makain pagdating ng tag-gutom."

Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang panahon ay kasama nasiya ng kanyang kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at higit sa lahat natuto siyang mag-impok.

ARAL:
Mag-impok habang maganda ang sitwasyon upang maging handa sa anumang suliranin sa hinaharap. 
Si Langgam At Tipaklong (Pabula) Si Langgam At Tipaklong (Pabula) Reviewed by Jim Lloyd on 10:45 AM Rating: 5

28 comments:

Unknown said...

hello Sir, Can I copy this story po(Si Langgam at Tipaklong)? For educational purposes lang po. Thank you po

Anonymous said...

Hello sir, pwede po bang gamitin ko ang pabulang ito? for educational purposes din po. Maraming salamat :)

Unknown said...

hello po!pwede po bang gamitin ko po ito sa activity namin sa school?i will make sure to put on the right credits po.thankyou! 9/16/20

Anonymous said...

hi ty po

Anonymous said...

May I just copy this story for educational purposes? Thank you

Unknown said...

May I too just copy this story for educational purposes? Thank you

Anonymous said...

Hi may I too copy this story for educational purposes?

Anonymous said...

hii

Anonymous said...

This story is the worst

Anonymous said...

Hello po, maari ko po bang gamitin ang storyang ito para sa educational purposes?

Unknown said...

pangit

Unknown said...

Hi sir cpy ko po ba ito lahat

Anonymous said...

amogus

Anonymous said...

pwede ko po ito i gamitin sa education ko po pls hindi ko gagamitin sa iba thankyou

Anonymous said...

Hi mga verts

Unknown said...

Or Search Big Book Si Langgam at Si Tipaklong , here in SCRIBD to find easily .. Thanks

Unknown said...
This comment has been removed by the author.
Unknown said...

I forgot to say something ,, The Uploader Is ashley ampuan ,, and that's all thanks

Unknown said...

Hi Sir! May I use this for educational purposes, for our NSTP 2. Thank you!

Anonymous said...

Hi po, Good day. Could I copy this for educational purposes po. Thank you.

Unknown said...

Hi po sir, May is use this po for educational purposes. Thank you po

Unknown said...

pwede ko po ito i gamitin sa education ko po pls hindi ko gagamitin sa iba thankyou

Unknown said...

Hello, may I use this po for educational purposes? Thank you po.

Anonymous said...

Hi can i use this for educational purposes po thank you

Anonymous said...

hI, Sir, Can I copy this for an educational purpose. Thank you.

Anonymous said...

Hello ,
o can i use this for educational purposes po thank you.

Anonymous said...

Fuck you motherfucking bitchass hoe

Anonymous said...

hello po, maaari ko po ba itong gamitin para educational purpose po. thank you

ads
Powered by Blogger.