Ang Unggoy At Paru-Paro (Maikling Kuwento)
Isang araw, sa taas ng puno na malapit sa bundok, pinagmasdan ni Unggoy ang kanyang paboritong bulaklak habang kumakain ng saging.
“Ang ganda-ganda talaga ng bulaklak na iyon. Gusto ko siyang pagmasdan araw-araw,” wika ni Unggoy sa kanyang sarili.
Pagkatapos niyang kumain ng saging, itinapon ni Unggoy ang balat ng saging sa lupa at humiga sa kanyang sanga. Nakita ito ni Paru-paro at linapitan niya si Unggoy.
“Unggoy napansin kong nahulog mo ang balat ng saging na iyong kinain sa lupa.”
Ang wika naman ni Unggoy, “Naku sadya iyan Paru-paro. Lagi kong itinatapon ang mga pagkain ko sa lupa.
“Kaya pala ang daming basura dito. Hindi mo dapat basta-basta na lamang tinatapon ang mga basura mo kung saan-saan lamang Unggoy. Maari kang makadulot ng trahedya. Meron namang mga basurahang malapit dito ah. Doon mo nalang itapon ang mga basura mo,” paliwanag ni Paru-paro.
"Hay nako Paru-paro, tigilan mo nga ako! Ang tagal-tagal ko ng ginagawa yan ah, wala namang nangyayaring masama,” galit na sagot ni Unggoy. “Umalis kana nga, sinisira mo araw ko,” dagdag pa nito.
Lumipad si Paru-paro ng walang imik. Isang madilim na gabi habang natutulog si Unggoy sa taas ng kanyang puno, ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi niya ito pinansin at sinusubukan muling matulog. Ngunit sa halip na makatulog ay napatayo pa si Unggoy dahilan sa may bigla siyang narinig na malakas natunog. Nagsimulang manginig ang kanyang puno at muntikan na siyang mahulog. Napatalikod siya at nabigla na lamang sa kanyang nakita. Lupang bumubuhos pababa mula sa bundok.
“Isang landslide!” Walang magawa si Unggoy kung hindi sumigaw. “Tulong! Tulungan ninyo ako,” sigaw niya. Tumumba ang kanyang puno at nahimatay si Unggoy.
“Ito ang resulta ng pagtatapon mo ng mga basura mo sa kalikasan Unggoy. Ito ag trahedyang sinasabi sa iyo,” paliwanag ni Paru-paro.
Napansin ni Unggoy ang lupa kung saan nakatanim doon ang paboritong bulaklak ni Paru-paro. Natabunan itong lupa at basura.
“Paru-paro patawad. Nagsisisi na ako sa kasalanang aking ginawa. Magbabago na ako. Hindi na ako magtatapon ng basura sa kapaligiran,” umiiyak at nagmamakaawa sa Unggoy.
“Kung kaya mong magbago Unggoy at hindi muna talaga ito gagawin pa ulit, pinapatawad na kita. Pero tulungan mo ako at ang iba pang mga hayop para mabigyan muli ng buhay ang ating tahanan at patawarin ka rin ni Inang Kalikasan.”
Simula noon, hindi na muling nagtapon si Unggoy ng basura kung saan-saan na lamang at unti-unti ay muling nabigyan buhay ang kanilang tirahan, malinis at mapayapa.
ARAL:
Ika ng mga matatanda: Kung ano ang itinanim, ay siya ring aanihin. Sa kwento na ito, matututunan ang pagtatanim ng mabuting gawa nang sa gayon ay magiging mabuti rin ang bunga. Tulad na lamang ng pagtanggap natin ng ating mga panauhin na kaiba sa ibang nasyon. Ito ay bahagi nang ating kultura. Dahil dito, nakapagtanim tayo ng mga mabubuting gawa sa ibang tao at kasunod nito ang mabubuting bunga o maidudulot na iyong ginawang kabutihan
Ang Unggoy At Paru-Paro (Maikling Kuwento)
Reviewed by Jim Lloyd
on
10:36 AM
Rating:
1 comment:
sino ang may akda
Post a Comment