Bakit May Korona Ang Bayabas?


May isang Sultan na napakapayat ngunit kinamumuhian ng marami sa kanyang kasakiman at kalupitan. Palagi niyang suot ang kanyang korona upang ipakita na siya ay makapangyarihan.
Isang araw habang kumakain si Sultan Barabas ng kanyang masaganang tanghalian, isang marungis na batang ulila ang lumapit ang humingi ng kaunting limos.

"Parang awa na po ninyo Sultan Barabas, ulila na po ako. Tatlong araw na po akong hindi kumakain at palabuy-laboy dahil sa wala po akong tirahan," ang pagsumamo ng bata.

Aaahh...at sino kang lalapit sa oras ng aking pagkain. Dapat ay sa mga katulong ka humingi ng limos, ang pasinghal na sabi ng sultan.

"Humingi na po ako sa kanila nguni't ayaw pon nila akong bigyan," ang lumuluhang sabi ng bata. Lumayas ka! Layas! Nakakawala ka ng gana," bulyaw ng Sultan sa bata.

Sa halip na umalis ay lalong lumapit ang bata. Nagalit ang Sultan kaya bigla niyang ibinato sa bata ang tason ng mainit na sabaw ng manok. Laking gulat niya nang mawala ang batang umiiyak. Akma siyang tatayo upang humingi ng tulong ng bigla siyang nalugmok sa kanyang kinauupuan.

Lumapit ang mga katulong. Pinulsuhan ang Sultan nguni't natuklasan nilang patay na ito. Inilibing ang Sultan na walang nakikiramay.

Ang mga tao ay pumili ng panibagong Sultan at kinalimutan na si Sultan Barabas.

Isang araw, ang katulong ng bagong Sultan ay humahangos at ibinalitang may isang punongkahoy na tumubo sa kinalilibingan ni Sultan Barabas. Hitik na hitik sa bunga ang nasabing puno.

"Napakaraming bunga ng punong ito. At bawa't isa ay may maliit na korona," ang wika ng bagong Sultan.

Pumitas siya ng isang bunga at binuksan iyon. "Naku! Ang daming buto. Matitigas at maliliit na buto." Ang sigaw ng matandang babae."Kasintigas ng loob ni Sultan Barabas.

Isang matandang lalaki naman ang tumikim sa bunga. "Pagkaasim—asim! Sing—asim ng ugali at pagmumukha ni Sultan Barabas!" Ang pangiwi niyang sabi.

Nagdaan ang maraming araw walang pumansin sa bunga ng puno hanggang sa ang mga ito ay mahinog. Nakatuwaang kainin ng mga bata ang bunga. Tumamis at sumarap ang lasa ng bunga. Bukod pa sa rito ay nagbigay pa ito ng bitamina sa katawan ng tao.

Mula noon ang bunga ay tinawag na "Bayabas" hango sa pangalan ni Sultan Barabas.

Sa kasalukuyang panahon ang bayabas, bukod sa ito ay kinakain o pagkapitas sa puno, ito rin ay ipinansasahog sa ating mga lutuin. Ang mga dahon ng bayabas ay nagagamit din sa medisina.


KUWENTONG ALAMAT


Bakit May Korona Ang Bayabas? Bakit May Korona Ang Bayabas? Reviewed by Jim Lloyd on 5:54 AM Rating: 5

2 comments:

North Glendale Custom Closets said...

Nice blog thanks for postiing

Jelsey Luz Manlapaz said...

Abril 11, 2023

Mabiyaya at mapagpalayang araw po.


Kami po ay mga mag-aaral ng Edukasyon sa Holy Angel University na kasalukuyang nagsasagawa ng pananaliksik na ang pamagat ay “Bantasyonari: Talaan ng mga Dati at Makabagong Bantas”, bilang bahagi ng aming pangangailangan sa aming kurso. Kami po humihingi ng pahintulot na basahin ang inyong akda at kunin ang mga pahayag na may kinalaman sa pagbabantas. Ang mga pahayag pong ito ang aming gagamitin upang mabigyang ng sapat na konteksto ang aming pananaliksik. Ano man pong nilalaman ng inyong akda ay hindi po namin babaguhin bagkus amin pong iingatan.

Maraming salamat po sa inyong positibong pagtugon. Kalugdan po kayo ng Poong Maykapal.

Lubos na gumagalang,


Angela Myeiel Lim
Mananaliksik

Jelsey Luz Manlapaz
Mananaliksik

Marielle C. Tamayo
Mananaliksik

Marvin N. Catacutan
Tagapagpayo

ads
Powered by Blogger.