Ang Alamat ng Bigas


Noong unang panahon, ang ating mga ninuno ay nabubuhay lamang sa pagkain ng prutas, gulay, ibon, at hayop-gubat na kanilang nahuhuli sa kagubatan. Ang pagbubungkal ng lupa ay wala pa sa isip nila. Ang pagmamanukan at pag-aalaga ng iba pang hayop ay hindi nila alam. Umaasa lamang sila sa mga pagkaing dulot ng kalikasan.

Sa ganitong paniniwala, hindi sila nagtatagal sa isang lugar; Lumilipat sila ng tirahan sa oras na wala nang makuhang pagkain sa isang lugar. Pumupunta sila sa lugar namayroong makakain at pag wala na ay lilipat silang muli.

Ang ating mga ninuno ay tuwang—tuwa sa kanilang kulay kayumanggi at sa kanilang kinagisnang mga tradisyon. Ito ay kanilang ipinagmamalaki. Labis-labis silang nagpapasalamat sa "Bathala." Kuntento na rin sila sa uri ng kanilang pamumuhay.

Ang mga kalalakihan ay nanghuhuli ng hayop sa gubat samantalang ang mga kababaihan at mga bata ay nanghuhuli ng isda, namimitas ng prutas at gulay. Ang lahat ng kanilang mahuhuli at maaani ay kanilang pinagsasama-sama at pinaghahatian. Pantay-pantay ang kanilang paghahati sa buong barangay.

Minsan nakaabot sa malayong lugar ang mga kalalakihan sa paghahanap ng usa. Nakarating sila sa mga bundok ng Cordillera. Sa labis na pagod ay nagpahinga sila sailalim ng isang puno. Malapit na ang tanghalian kaya't lahat sila ay gutom na gutom na

Sa kanilang pagpapahinga ay may namataan silang isang grupo ng tao na kakaiba sa kanilang anyo. Inakala nilang mga bathala ang kanilang nakita. Tumayo sila at nagbigay galang sa mga "bathala."

Natuwa sa kanila ang mga "bathala." Inanyayahan sila upang dumalo sa kanilang pagtitipon. Tumulong ang mga kalalakihan sa paghahanda ng mga pagkain. Kinatay nila ang mga hayop at inihaw. Maya-maya'y may inilabas na bumbong ng kawayan ang alipin ng mga "Bathala." Ang laman ng kawayang ito ay mapuputing butil. Pagkaluto nito ay isinaiin ang lutong puting butil sa dahon ng saging na nakalatag sa hapag—kainan. Ang hapag ay napapalamutian na ng mga prutas, lutong karne ng hayop, gulay at mga inumin.

Noong una ay ayaw kumain ng mga puting butil ang mga bisita. Akala nila ay mga bulati ang mga puting butil. "Hindi ka mi kumakain ng mga uod, sag sabi ng mga bisita.

Ang mga puting butil na iyan ay hindi uod. Iyan ay mga nalutongbigas.Ang tawag namin diyan ay kanin. Galing sila sa aming pananim na aming inaalagaan at pinalalaki. Hali kayo, tikman ninyo ito. Pagkatapos ninyong kumain ay maaari ninyo kaming patayin kung may maramdaman kayong kakaiba sa inyong katawan, ang sabi ng isa sa mga "Bathala."

Pagkatapos kumain ay nakaramdam ng panibagong Iakas ang mga bisita, hindi dahil sa sila ay nabusog kungdi dahil sa kinain nilang mga puting butil. Nagpaalam silang lahat sa mga "Bathala."

Bago lumisan ang mga bisita, bawa't isa sa kanila ay pinabaunan ng mga "Bathala" ng isang sakong palay.

"ito ang palay," paliwanag ng isang "bathala," "bayunin ninyo ito upang maalis ang balat nito. Linisin ninyo at hugasang mabuti, Ilagay ito sa loob ng bumbong ng kawayan. Lagyan ng kaunting tubig. Ilagay ninyd ito sa ibabaw ng
apoy hanggang sa maluto. Ito ay magiging kanin. Ang pagkaing ito ay nakapagpapalakas ng katawan. Ang ibang palay ay pagyamanin ninyo upang maging binhi. Itanim ninyo ito pagsapit ng tag-ulan. Pag sapit naman ng tag-araw ay maaari na ninyo itong anihin. Humayo kayo at ipamalita ito at ituro sa inyong mga kasamahan. Turuan ninyo silang magbungkal ng lupa. Makikita ninyo at kayo ay uunlad at hindi na kayo magpapalipat-lipat pa ng tirahan.."

Matapos magpasalamat sa mga "Bathala," ang mga bisita ay nagbalik na sa—kanilang tribu. Sinunod nila ang bilin ng mga "Bathala." Tinuruan nila ang kanilang mga kasamahan sa pagbubungkal ng lupa at sa pagluluto ng mga puting butil. Ang ibang barangay ay gumaya na rin sa kanila.

Magmula noon ang pagbubungkal ng lupa ay naging isang hanapbuhay na ng mga tao at ang bigas o kanin ang naging pangunahing pagkain natin.



KUWENTONG ALAMAT


Ang Alamat ng Bigas Ang Alamat ng Bigas Reviewed by Jim Lloyd on 6:51 AM Rating: 5
ads
Powered by Blogger.