Ang Magulang na Daga


Noong unang panahon, ang daga ay kinikilalang isa sa pinaka-mataas na uri ng hayop. Nakakatayo ito sa dalawa niyang paa, nagtataglay ng makintab na balahibo, at nagmamalas ng kakaibang katalinuhan. Tinitingala at hinahangaan ang daga sa sangkahayupan.

Ngunit may isang katangian ang daga na talagang di kanais-nais. Sadya syang magulang at mapang-isa sa kapwa niyang hayop. Madalas syang makikitang nanloloko at nangu-uto ng mga hayop. Minsan ay nakakita ang daga ng bakulaw na may dalang isang bigkis ng saging. Ganito ang naging tagpo:

DAGA: (pumulot ng bato at nagsalita ng malakas) Naku! Sadyang napakapalad ko!
BAKULAW: Huh? Malapad ka?
DAGA: Hindi, bakulaw. Ang sabi ko mapalad ako. Tingnan mo 'to, nakapulot ako ng isang mahiwagang bato! At sa pamamagitan nito ay makakataglay ako ng apat na kahilingan!
BAKULAW: Naku! Sadyang napakapalad mo nga pareng daga!!
DAGA: Tama ka. Kaya lang...
BAKULAW: Ano?
DAGA: Hindi ko alam kung saan ko ito itatago. Baka mawala ko ito, sayang naman...
BAKULAW: Ako! Sa 'kin! Ako na lang ang magtatago niyan!
DAGA: Hmn.... Maaari ba kitang mapagkatiwalaan?
BAKULAW: Oo naman! Gusto mo para patunayan kong karapat dapat ako sa pagtitiwala mo, ibibigay ko na sa iyo 'tong mga saging na ito.
DAGA: Sige na nga, mapilit ka eh (sabay abot ng bato kay bakulaw at kuha ng saging). Pero iingatan mo yan ah.
BAKULAW: Syempre pa! (Umalis na naga-akalang naisahan nyan ang daga).
DAGA: (Nagi-isip) Nyahahaha. Tanga ka talaga bakulaw!

At patuloy ngang nangyayari ang ganito sa lahat ng mga hayop. Hanggang sa isang araw, nagpasya ang mga hayop na gumawa na ng angkop na pagkilos laban kay daga. Nagtipon-tipon ang lahat ng hayop maliban kay daga, at ganito ang naging takbo ng pagpupulong:

LEON: Sumosobra na yang daga na yan! Grooowwl!!!
MATSING: Oo nga! Pati ako naiisahan nya! huhuhahahaha!
PAGONG: Walang hiya yun! Pati bahay ko niloob!
KWAGO: Kailangan na natin syang isumbong sa nakakataas! kukooo!
BAKULAW: Tama! Ang galing mo talaga kwago! Idol ka!
At nagkaisa na nga ang mga hayop. Pumunta sila kay Bathala at inilapit ang kanilang mga hinaing.
BATHALA: (Pagkatapos marinig ang mga hinaing ng mga hayop) Ganun ba...? Pwes, MGA AGILANG KUMAKAIN NG UNGGOY, DALHIN NYO RITO SI DAGA! MADALI!!!
Pagkalipas ng sampung minuto...

DAGA: Bathala, ano pong ibig sabihin nito?
BATHALA: Nagkasala ka at marapat na ikaw ay maparusahan.
DAGA: Among, baka pwede nating pag-usapan 'to? (bumulong) Marami akong bagong bata dyan, mamili lang po kayo!
BATHALA: Lapastangan!!! At pati ako ay lolokohin mo pa!
DAGA: Aba hindi po. Totoo po yung sinasabi ko. Mga batang-bata pa ho!
BATHALA: Hindi mo na talaga ako iginalang no? Pwes, magmula ngayon, hindi ka na makakahalubilo sa kahit anong hayop!
DAGA: Bathala naman! Itong galing kong ito, magpapaka-loner? No way!
BATHALA: Masyado kang mataas! Magmula rin ngayon ay hindi ka na makakatayo sa dalawa mong paa. Matuto kang magpakumbaba!
DAGA: Amo naman, 'di na mabiro. Ang gwapo niyo pa naman ngayon. Pagbigyan nyo na naman ako.
BATHALA: Bolahin mo ang lelang mong panot! At nangyari na nga. Ang daga ay nahiwalay sa lahat ng mga hayop. Ipinatapon sya sa isang madilim na sulok kung saan sya ay naninirahan, gumagapang, nagiisa....

Ang Magulang na Daga Ang Magulang na Daga Reviewed by Jim Lloyd on 4:05 PM Rating: 5

No comments:

ads
Powered by Blogger.