Ang Pagmamahal ng Isang Ina



Isang gabi habang nagluluto ng hapunan ang isang nanay, lumapit sa kanya ang kanyang sampung taong gulang na anak na lalaki at may ibinigay na papel. Matapos niyang punasan ang kanyang basang kamay, kinuha niya ang papel upang basahin ang nakasulat dito. Narito ang nakasulat sa papel:

Nay,
Sa pagtatapon ng basura - P2.00
Sa pagbili sa tindahan - P5.00
Sa pagwawalis sa bakuran - P5.00
Pagkuha ng mataas na marka sa report card - P10.00
Paglilinis sa kuwarto - P5.00
Pagbabantay kay bunso - P5.00
Total: P32.00
Tumingin ang nanay sa kanyang anak, at kita sa mga mata nito ang mga nanumbalik na alaala mula sa nakalipas. Kumuha ang nanay ng lapis at sa likod ng papel ay isinulat ang mga sumusunod:
Anak,
Sa siyam sa buwang dinala kita sa aking sinapupunan - WALANG BAYAD
Sa lahat ng gabing binantayan kita, inalagaan at ipinagdasal - WALANG BAYAD
Sa lahat ng paghihirap at luha na idinulot mo sa akin - WALANG BAYAD
Sa lahat ng gabing puno ng pangamba at sa lahat ng kakaharapin kong alalahanin - WALANG BAYAD
Para sa laruan, pagkain, damit at lakip na ang pagpupunas ko sa ilong mo - WALANG BAYAD
Anak, ang kabuuan ng pagmamahal ko sa iyo ay - WALANG BAYAD
Matapos basahin ng bata ang isinulat ng kanyang nanay sa papel ay may malalaking luha sa kanyang mga mata. Tumingin siya sa kanyang nanay at nagsabing, "Nay, mahal na mahal po kita". Pagkatapos ay kinuha niya ang papel at nagsulat sa malalaking letra: "FULLY PAID".




Ang Pagmamahal ng Isang Ina Ang Pagmamahal ng Isang Ina Reviewed by Jim Lloyd on 8:16 PM Rating: 5
ads
Powered by Blogger.