Daily Lesson Plan: EsP Grade 5 (Q2, Week 6.3)


Daily Lesson Plan
Subject: Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP 5)
Baitang: Grade 5
Markahan: Ikalawang Markahan
Q2, Day 3 of Week 6


I. LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman: 
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipagkapwa-tao at pagganap ng mga inaasahang hakbang, pahayag at kilos para sa kapakanan at ng pamilya at kapwa.

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang inaasahang hakbang, kilos at pahayag na may paggalang at pagmamalasakit para sa 
kapakanan at kabutihan ng pamilya at kapwa.

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nakapagsisimula ng pamumuno para makapagbigay ng kayang tulong para sa nangangailangan at sa mga biktima ng kalamidad, pagbibigay ng babala o impormasyon kung may bagyo, baha, sunog, lindol at iba pa

II. NILALAMAN

Mga Karapatan Mo, Igagalang Ko

III. KAGAMITAN

Paksa/Pagpapahalaga: Pagkamagalang (Respectful)
Mga Kagamitan: Activity card, larawan (power point), weighing scale
Integrasyon : Sining, Sibika at Kultura, Mathematics

IV. PAMAMARAAN

i. BALIK ARAL/PANIMULANG GAWAIN

Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mapagnilayan ang mga kilos nila anumang sandali. Ipagawa sa kanilang kuwaderno ang gawaing “TIMBANG-TIMBANGIN” sa ISAPUSO NATIN na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.


ii. PAGGANYAK

Bigyan ng ilang sandal ang mga mag-aaral na mapag-isipan ang dami ng sagot nila sa magkabilang timbangan.

iii. PAGTALAKAY NG ARALIN

"Timbang-Timbangin"




iv. MGA GAWAIN

1. Magtakda ng oras para sa pagpapakita ng gawa ng bawat pangkat. Subaybayan ang bawat pangkat sa pagbuo ng mga Gawain na nakalaan sa kanila.

v. PAGLALAHAT

Sa gawaing ito, nagagamit ang teorya ng konstruktibismo kung ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang bagay na mula sa kanilang paunang alam. Ipadama sa kanila na ang kanilang mga karanasan ay mahalaga para sa gawaing ito. Ang mga karanasang iyon ang gagamitin nila upang makabuo sila ng panibagong gawa o output.

vi. PAGLALAPAT

Gabayan ang mga mag-aaral sa epektibong paggawa kasama ang ibang miyembro. Ipaunawa sa kanila na ang grupo ay binuo upang matutuhan nilang magbahagi at makibahagi sa talakayan. Ang pagiging bukas ng miyembro sa pangkat sa lahat ng suhestiyon ay maghahatid sa kanila sa isang konkretong gawa.

vii. PAGTATAYA

Gamit ang timbangan, ilagay sa kanang bahagi nito ang bilang ng bagay na nagawa mo na at ginagawa hanggang sa kasalukuyan. Ilagay naman sa kaliwa ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa.
1. Tumitigil ako sa paglalaro at pag-iingay kapag may nagpapahinga.
2. Iniiwasan ko ang makipagkuwentuhan sa loob ng simbahan.
3. Tahimik ako na lumalakad sa pasilyo ng eskwelahan sa oras ng klase.
4. Iginagalang ko ang nagsasalita kahit hindi ko nagugustuhan ang kaniyang sinasabi.
5. Gumagamit ako ng magagalang na salita lalo na sa pakikipag-usap sa matatanda.

Daily Lesson Plan: EsP Grade 5 (Q2, Week 6.3) Daily Lesson Plan: EsP Grade 5 (Q2, Week 6.3) Reviewed by Jim Lloyd on 12:53 AM Rating: 5
ads
Powered by Blogger.