Daily Lesson Plan: EsP Grade 5 (Q2, Week 6.2)


Daily Lesson Plan
Subject: Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP 5)
Baitang: Grade 5
Markahan: Ikalawang Markahan
Q2, Day 2 of Week 6


I. LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman: 
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipagkapwa-tao at pagganap ng mga inaasahang hakbang, pahayag at kilos para sa kapakanan at ng pamilya at kapwa.

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang inaasahang hakbang, kilos at pahayag na may paggalang at pagmamalasakit para sa 
kapakanan at kabutihan ng pamilya at kapwa.

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nakapagsisimula ng pamumuno para makapagbigay ng kayang tulong para sa nangangailangan at sa mga biktima ng kalamidad, pagbibigay ng babala o impormasyon kung may bagyo, baha, sunog, lindol at iba pa

II. NILALAMAN

Mga Karapatan Mo, Igagalang Ko

III. KAGAMITAN

Paksa/Pagpapahalaga: Pagkamagalang (Respectful)
Mga Kagamitan: Activity card, larawan (power point), weighing scale
Integrasyon : Sining, Sibika at Kultura, Mathematics

IV. PAMAMARAAN

i. BALIK ARAL/PANIMULANG GAWAIN

Sagutin ang mga tanong :

1. Ano ang iyong naramdaman habang tinitingnan mo ang mga larawan?
2. Kung ikaw ang batang nagsasalita sa harapan at lahat ng iyong kamag-aral ay nakikinig, ano ang iyong magiging reaksyon? Bakit? Halimbawa na walang nakikinig sayo anong mararamdaman mo? Bakit?
3. Nakakita ka ng mga katutubo at nais makipag-usap sa iyo, paano mo siya pakikitunguhan? Ipaliwanag.
4. Nasa loob ka ng simbahan bigla na lang nagkwentuhan ang mga batang iyong katabi, sa iyong palagay ano ang magiging reaksyon mo?
5. Magbigay ng mga pangyayari o sitwasyon kung saan maipakikita mo ang paggalang sa kapwa sa lahat ng pagkakataon.

ii. PAGGANYAK

GAWAIN 1
Unawain ang bawat sitwasyon. Punan ang Speech Bubble kung paano mo maipakiktia ang paggalang. Nasa bulwagan kayo ng inyong paaralan upang manood ng palatuntunan. Nagtatalumpati ang inyong punong guro.

GAWAIN 2
Ipangkat ang sarili batay sa kulay na iyong nabunot. Ang kulay pula ang Unang pangkat, Berde ang kakatawan sa Ikalawang pangkat, Dilaw para sa Ikatlong pangkat at Asul naman sa Ikaapat na pangkat.  Kumuha an glider ng bawat pangkat ng Activity Card. Basahing mabuti ang nilalaman nito.
Bakit mahalaga na isaalang-alang ang paggalang sa karapatan ng iba lalo na kapag sila ay nagsasalita o nagpapaliwanag, nagpapahinga, nag-aaral, nagbabahagi ng opinion atbp.

iii. PAGTALAKAY NG ARALIN

Mahalaga na maunawaan ng guro ang ibat-ibang kakayahan ng mga mag-aaral upang makapagbigay ng mga gawaing lilinang sa ibat-ibang husay nila.
1. Ilahad sa mag-aaral ang GAWAIN 1 sa Isagawa Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Pasagutan sa mag-aaral ang Gawain dito at magbigay ng mga gabay sa magalang na pakikipag-usap sa iba.
2. Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng pangkat

iv. MGA GAWAIN

1. Magtakda ng oras para sa pagpapakita ng gawa ng bawat pangkat. Subaybayan ang bawat pangkat sa pagbuo ng mga Gawain na nakalaan sa kanila.

v. PAGLALAHAT

Sa gawaing ito, nagagamit ang teorya ng konstruktibismo kung ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang bagay na mula sa kanilang paunang alam. Ipadama sa kanila na ang kanilang mga karanasan ay mahalaga para sa gawaing ito. Ang mga karanasang iyon ang gagamitin nila upang makabuo sila ng panibagong gawa o output.

vi. PAGLALAPAT

Gabayan ang mga mag-aaral sa epektibong paggawa kasama ang ibang miyembro. Ipaunawa sa kanila na ang grupo ay binuo upang matutuhan nilang magbahagi at makibahagi sa talakayan. Ang pagiging bukas ng miyembro sa pangkat sa lahat ng suhestiyon ay maghahatid sa kanila sa isang konkretong gawa.

vii. PAGTATAYA

Ipangkat ang sarili batay sa kulay na iyong nabunot. Ang kulay pula ang Unang pangkat, Berde ang kakatawan sa Ikalawang pangkat, Dilaw para sa Ikatlong pangkat  at Asul naman sa Ikaapat na pangkat. Kumuha an glider ng bawat pangkat ng Activity Card. Basahing mabuti ang nilalaman nito. Bakit mahalaga na isaalang-alang ang paggalang sa karapatan ng iba lalo na kapag sila ay nagsasalita o nagpapaliwanag, nagpapahinga, nag-aaral, nagbabahagi ng opinion atbp.

Daily Lesson Plan: EsP Grade 5 (Q2, Week 6.2) Daily Lesson Plan: EsP Grade 5 (Q2, Week 6.2) Reviewed by Jim Lloyd on 12:40 AM Rating: 5
ads
Powered by Blogger.