Daily Lesson Plan: EsP Grade 5 (Q2, Week 6.5)



Daily Lesson Plan
Subject: Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP 5)
Baitang: Grade 5
Markahan: Ikalawang Markahan
Q2, Day 5 of Week 6


I. LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman: 
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipagkapwa-tao at pagganap ng mga inaasahang hakbang, pahayag at kilos para sa kapakanan at ng pamilya at kapwa.

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang inaasahang hakbang, kilos at pahayag na may paggalang at pagmamalasakit para sa 
kapakanan at kabutihan ng pamilya at kapwa.

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nakapagsisimula ng pamumuno para makapagbigay ng kayang tulong para sa nangangailangan at sa mga biktima ng kalamidad, pagbibigay ng babala o impormasyon kung may bagyo, baha, sunog, lindol at iba pa

II. NILALAMAN

Mga Karapatan Mo, Igagalang Ko

III. KAGAMITAN

Paksa/Pagpapahalaga: Pagkamagalang (Respectful)
Mga Kagamitan: Activity card, larawan (power point), weighing scale
Integrasyon : Sining, Sibika at Kultura, Mathematics

IV. PAMAMARAAN

i. BALIK ARAL/PANIMULANG GAWAIN

Ipahanda sa mga mag-aaral ang sagutang papel. Ipasagot ang subukin natin sa kagamitan ng mag-aaral.


ii. PAGGANYAK

Pagkatapos ng mga mag-aaral sa Gawain muli itong iproseso at tulungan silang pagnilayan ang kanilang sagot.

iii. PAGTALAKAY NG ARALIN

Hikayatin ang mga mag-aaral na may hindi pa nasusubukan gawin na nagpapakita ng paggalang sa iba na subukin din ito. Maaring magbigay ng takdang aralin kung kinakailangan para sa sususnod na aralin.

iv. MGA GAWAIN

1. Pukain ang interes ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng larawan. (Power point)
2. Sabihin sa mga mag-aaral kung ano ang isinasaad ng bawat larawan.
3. Alamin ang damdamin ng mga mag-aaral sa nakitang sitwasyon mula sa larawan.

v. PAGLALAHAT

Sa gawaing ito, nagagamit ang teorya ng konstruktibismo kung ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang bagay na mula sa kanilang paunang alam. Ipadama sa kanila na ang kanilang mga karanasan ay mahalaga para sa gawaing ito. Ang mga karanasang iyon ang gagamitin nila upang makabuo sila ng panibagong gawa o output.

vi. PAGLALAPAT

Gabayan ang mga mag-aaral sa epektibong paggawa kasama ang ibang miyembro. Ipaunawa sa kanila na ang grupo ay binuo upang matutuhan nilang magbahagi at makibahagi sa talakayan. Ang pagiging bukas ng miyembro sa pangkat sa lahat ng suhestiyon ay maghahatid sa kanila sa isang konkretong gawa.

vii. PAGTATAYA

Isalat sa patlang kung Opo o Hindi po, Wala po o Meron po ang mga sumusunod na pangungusap.
_____1. Dapat bang limitahan ang karapatan ng iba?
_____2. Mas nakahihigit ba ang karapatan ng mga mayayaman kaysa sa mga mahihirap?
_____3. Maaari bang bilhin ang karapatan?
_____4. May karapatan ba ang ibang tao na angkinin ang karapatan ng iba?
_____5. Ang mga matatanda lamang  ba ang may karapatan?



Daily Lesson Plan: EsP Grade 5 (Q2, Week 6.5) Daily Lesson Plan: EsP Grade 5 (Q2, Week 6.5) Reviewed by Jim Lloyd on 1:14 AM Rating: 5
ads
Powered by Blogger.