Talahulugan: Tradisyong Pilipino (Filipino Traditions Definition of Terms)
Ano ang pagmamano? (What is pagmamano?)
Ang pagmamano ay isang lumang tradisyon na ginagawa sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ng matanda at paglapat nito sa noo habang sinasabi ang "Mano Po" upang ipakita ang paggalang.
Pagmamano is an age-old custom done by touching one’s forehead to the elder’s hand while saying “Mano Po” as a sign of respect.
Ano ang Simbang Gabi? (What is Simbang Gabi?)
Ang simbang gabi ay siyam na sunod-sunod na misa tuwing madaling araw na nagsisimula sa Disyembre 16 at nagtatapos sa hatinggabi ng ika-24 ng Disyembre.
Simbang Gabi is a series of nine dawn masses that begins on December 16 and ends on the midnight of the 24th of December.
Ano ang Parol? (What is Parol?)
Ang parol ay palamuting karaniwang hugis bituin at iba-iba ang kulay na isinasabit tuwing pasko sa bahay, opisina, paaralan, at shopping malls.
Parols are multicolored ornaments usually star-shaped adorned during Christmas in houses, offices, schools, shopping malls as early as October.
Ano ang Monito-Monita? (What is Monito-Monita?)
Ang Monito-Monita ay ang tradisyong Pilipino ng pagpapalitan ng mga regalo o Kris Kringle. Ang iyong "monito" (o "monita") ay ang taong iyong pinapalitan ng mga regalo. Ito ay kung minsan ginagawa habang umaawit ng Monito Song.
Monito-Monita is the Filipino version of exchanging gifts or Kris Kringle. Your "monito" (or "monita") is the person you're exchanging gifts with. This is sometimes done while singing the Monito Song:
"I love my monito, yes I do
I love my monito, yes I do
I love my monito, yes I do
I love my monito, but I won't tell you."
Ano ng Caroling? (What is Caroling?)
Ang Caroling ay ang pagbabahay-bahay ng isang grupo ng mga tao (na karaniwan ay mga bata) habang umaawit ng mga awit pam-Pasko. Bilang kapalit sa mga kanta, ang mga tao sa mga bahay ay nagbibigay sa mga "carolers" ng pagkain, pera o mga regalo.
Caroling is the singing of Christmas songs by people in groups (usually children) while going from one house to another. In exchange for the songs, people in homes give the "carolers" food, money or gifts.
Ano ng Belen? (What is Belen?)
Ang belen ay isang tableau na kumakatawan sa Nativity. Inilalarawan nito ang sanggol na si Jesucristo sa pasungan, na pinalilibutan ng Birheng Maria, San Jose, mga pastol, kanilang kawan, Magi at ilang mga hayop at mga anghel.
Belen is a creche or tableau representing the Nativity scene. It depicts the infant Jesus Christ in the manger, surrounded by the Virgin Mary, St. Joseph, the shepherds, their flock, the Magi and some stable animals and angels.
Ano ng Noche Buena? (What is Noche Buena?)
Ang Noche Buena ay ang pagsasalo-salo ng pamilya tuwing bisperas o gabi bago sumapit ang pinaka-araw ng Pasko.
Noche Buena is the Christmas Eve feast shared by the family after midnight.
Talahulugan: Tradisyong Pilipino (Filipino Traditions Definition of Terms)
Reviewed by Jim Lloyd
on
8:14 AM
Rating: