Paano Malalaman Kung Buntis Ang Isang Babae?
Ang pinakamahusay na paraan upang malaman kung ikaw ay buntis ay ang gumamit ng over-the-counter na pregnancy test. Kung makakakuha ka ng isang positibong resulta, maaari mong kumpirmahin ito sa isang doktor at magpasya kung ano ang gusto mong gawin pagkatapos. Narito ang ilang mga paraan upang malaman kung buntis ang isang babae:
1. Alamin ang mga sintomas ng pagbubuntis.
Kung ikaw ay buntis, malamang na mapapansin mo ang mga unang sintomas ng pagbubuntis. Ito ay ang mga sumusunod:
- Missed period. Hindi dumating ang iyong regla.
- Spotting. May dugo galing sa iyong puwerta o vaginal bleeding.
- Moodiness. Sumpungin at madaling mainis o magalit.
- Pagkahilo at pagduduwal. Ang pagduduwal ay sanhi ng mataas na antas ng mga hormones sa katawan ng buntis.
- Paglaki ng suso. Ang mga pagbabago dulot ng mga hormones sa panahon ng pagbubuntis ay nagdudulot ng dagdag na daloy ng dugo at pagbabago sa tissue ng suso.
- Madalas na pag-ihi. Ang kidney ng buntis ay nagpo-produce ng 25% higit pang ihi dahil sa dagdag na daloy ng dugo mula sa pagbubuntis.
Gayunpaman, hindi lahat ng mga kababaihan ay may mga sintomas na ito, at kahit pa may mga sintomas kang nararanasan, hindi ito nangangahulugan na ikaw ay buntis.
2. Kumpirmahin ang pagbubuntis.
Bumili ng over-the-counter/ home pregnancy test kits at pagkatapos ay kumpirmahin ang resulta sa isang doktor.
- Gamitin ang pregnancy test pagkagising sa umaga dahil mas accurate ito. Sundin ang mga direksyon sa kahon, ngunit sa pangkalahatan, umihi ka sa isang dulo ng stick na mayroong test strip. Pagkatapos ay ilagay ito sa isang patag na ibabaw.
- Maghintay ng at least limang minuto. Ang ilang mga test ay nagpapakita ng dalawang linya para sa mga buntis, habang ang iba ay isang solong asul na linya. Importanteng basahin ang direksyon sa nakalakip na pakete.
Mga Katanungan at Sagot Ukol sa Sex at Pagbubuntis
1. Kailan ako dapat gumamit ng pregnancy test?
Sa sandaling napansin mong delayed o hindi dumating ang iyong regla 2-3 linggo pagkatapos ng pakikipagtalik. Ang pinakamahusay na paraan para malaman kung ikaw ay buntis ay ang pagbisita sa isang doktor.
2. Effective ba ang withdrawal para hindi mabuntis habang nakikipagtalik?
Hindi ito epektibo sapagkat ang sperm kahit pa nasa labas ng puwerta ng babae ay puwedeng makapasok sa pamamagitan ng natural lubrication ng vagina o ang natural na likidong nagpapadulas sa puki ng babae. Kapag ito ay nangyari puwedeng mabuntis ang babae.
3. Sa labas nagpaputok ang boyfriend ko, mabubuntis ba ako?
May posibilidad na mabuntis ka sapagkat hindi protektado ang iyong pakikipagtalik.
4. Mabubuntis ba ang babae kahit isang beses lang nakipag-sex?
Oo, pwedeng mabuntis ang babae kahit sa unang beses niyang pakikipagtalik.
5. Nahihilo ako, naduduwal at nagiging sumpungin, buntis kaya ako kahit hindi ako nakipag-sex?
Imposibleng mabuntis ang isang babae kung hindi makakapasok ang sperm ng lalaki sa kanyang puwerta. Ngunit pwuwedeng mabuntis ang isang babae kahit hindi nakipag-sex kung may ibang paraan na nakapasok ang sperm ng lalaki sa kanyang puki, intensiyonal man o hindi sinasadya.
6. Nag-pregnancy test ako at negative, ngunit hindi pa rin dumadating ang aking regla?
Ulitin ang pregnancy test ng ilang beses, kapag negative pa rin maaring delayed lamang ang iyong regla. Maghintay ng dalawang linggo at kapag hindi pa rin dumating ang iyong regla, komunsulta sa isang doktor sapagkat maaring may iba itong sanhi.
Mag-comment sa ibaba, sa iba pang mga katanungan.
Paano Malalaman Kung Buntis Ang Isang Babae?
Reviewed by Jim Lloyd
on
8:17 AM
Rating: