Paano Makatulog Agad?
Kung isa ka sa mga taong hindi agad makatulog sa gabi, alalahanin ang mga sumusunod na paalala upang makatulog ng mahimbing.
1. Matulog sa parehong oras bawat gabi at gumising sa parehong oras sa umaga.
Dapat mong malaman na ang iyong katawan ay may tinatawag na circadian rhythm. Ito ang natural na tendency ng katawan upang panatilihing nakahanay ito sa ikot ng araw at gabi. Ang pagkakaroon ng isang regular na oras sa pagtulog ay tila may kaugnayan sa kakayahang makatulog nang tuloy-tuloy.
2. Patayin ang ilaw at iba pang mga bagay na pagmumulan ng liwanag.
Ang linawag ay siyang kumokontrol sa circadian rhythm ng katawan higit pa sa ano pa man. Dahil ito sa hormone na melatonin, na kinokontrol ng katawan sa pamamagitan ng pagkalantad sa liwanag. Pinapababa ng melatonin ang iyong heart rate at blood pressure upang makapag-relax ka. Sa dilim, ang melatonin ay malayang dumadaloy sa katawan. Ngunit kapag ikaw ay nasa liwanang, natural man o artipisyal, nahihinto ang pagpapalabas ng melatonin. Kaya iminumungkahi ng mga siyentipiko na iwasang gumamit ng cellphone, tablets o laptop isang oras bago matulog. Ang liwanag na ibinubuga ng mga electronics ay nagpapalito sa iyong katawan dahilan upang hindi nito malaman ang oras ng pagtulog.
3. Iwasang magkonsumo ng caffeine bago matulog.
Ayon sa mga pag-aaral, ang pag-gamit ng caffeine bago matulog ay nakakaapekto sa katawan hanggang 12 hours dahilan sa hindi pagkatulog ng maayos sa gabi. Kaya iwasang uminom ng kape, tsaa o iba pang mga inuming may caffeine kung nais mong makatulog kaagad.
4. Huwag isipin at alalahanin ang hindi pagkatulog.
Ang pag-iisip mo tungkol sa pagtulog ay maaaring makaapekto sa iyong sleeping patterns. Ang pag-aalala tungkol sa hindi sapat na pagtulog ay karaniwang sapat na sanhi upang magkaroon ka ng insomnya. Ang tawag dito ay Sleep Onset Insomnia. Sa isang pag-aaral, ipinakita na ang ating isipan ay mas malakas pa kaysa sa anumang gamot. Sa mga double-blind studies, ang mga pasyente na sinabihan na sila ay umiinom ng sleeping drugs (kahit ito ay hindi totoong sleeping drugs) ay mas nakatulog ng maayos kaysa sa mga pasyente na hindi sinabihan. Kaya kung gusto mong makatulog agad ng mahimbing, ang sagot ay nasa iyong isipan.
Paano Makatulog Agad?
Reviewed by Jim Lloyd
on
8:19 AM
Rating: