Ang Ginintuang Tuntunin (Kuwentong May Aral)
May mag-asawang nakatira sa isang bayan na may isang anak. Sa loob ng mahabang panahon, magkasamang namuhay nang masaya ang tatay kasama ang anak niyang lalaki at ang kaniyang asawa. Subalit nang siya ay tumanda na, humina na rin ang kaniyang katawan. Palagi siyang nakababasag ng plato sa tuwing kumakain siya sa mesa. Nanginginig na kasi ang mga kamay niya. Hindi nagtagal, nagalit ang anak sa pagiging lampa ng tatay niya. Kaya isang araw, iginawa niya ito ng mapagkakainang pinggan na kahoy. Ang pinggang kahoy na ito na ang nagsilbing kainan ng kaawa-awang matanda.
Nang mapansin ng lalaking apo ang ginawa ng kaniyang tatay, kumuha siya ng ilang gamit pangkarpintero at nagpunta sa ilalim ng bahay. Nang makita siya ng tatay niya, tinanong siya nito,
“Anak, ano ang ginagawa mo?"
“Tay, iginagawa ko kayo ni Ina ng pinggang kahoy para sa inyong pagtanda", sagot ng anak.
Pagkarinig sa mga salita ng anak, tumulo ang mga luha ng ama. Simula noon, pinayagan na ang matandang lalaki na kumain sa mesa kasama ng buong pamilya. Hindi na siya pinakakain sa pinggang kahoy.
ARAL:
Kung nais mong respetuhin ng iyong anak, ibigay ang nararapat na respeto para sa magulang. Tandaan, huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo. Ito ang ginintuang tuntunin.
ARAL:
Kung nais mong respetuhin ng iyong anak, ibigay ang nararapat na respeto para sa magulang. Tandaan, huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo. Ito ang ginintuang tuntunin.
Ang Ginintuang Tuntunin (Kuwentong May Aral)
Reviewed by Jim Lloyd
on
7:41 AM
Rating:
2 comments:
Edi wow
Pakyu
Post a Comment