Ang Mga Mahahalagang Bagay sa Buhay (Kuwentong May Aral)


May isang professor sa pilosopiya na nakatayo sa harap ng kanyang klase at sa ibabaw ng kanyang lamesa ay may iba’t-ibang bagay. Nang magsimula ang klase tahimik niyang kinuha ang isang bote ng mayonnaise na walang laman ay ito ay nilagyan niya ng bato mga 2 pulgada ang sukat. Tinanong niya ang klase kung ang bote ba ay puno na. Iisa ang kanilang sagot … ito ay puno na.


Muli kumuha ng isang kahon ng maliliit na bato ang professor at inilagay din sa loob ng bote. Inalog-alog ng bahagya. Siyempre, yung maliliit na bato ay nagkanya-kanyang gulong sa siwang ng malaking bato. At tinanong ang klase kung puno na ang bote. Iisa muli ang kanilang sagot ... ito ay puno na.

Ngayon naman ay kinuha ng professor ang kahon ng buhangin at inilagay din sa bote. Siyempre, nagsiksikan ang mga buhangin sa mga natitira pang siwang sa pagitan ng malaking bato at maliliit na bato. At muli siya’y nagtanong kung ang bote ba ay puno na. Ang mga estudyante ay sabay-sabay na sumagot ng “Oo.” 

“Ngayon,” sabi ng professor, “masdan ninyo na ang boteng ito ay kumakatawan sa inyong buhay. Ang malalaking bato ay ang mga mahalagang bagay – ang yung pamilya, asawa mo, kalusugan, mga anak, mahal sa buhay at kaibigan – mga bagay na kung mawala man ang iba at sila lang ang natira, ang buhay mo ay puno pa rin. Ang maliliit na bato ay ang iba pang mga bagay na mahalaga din – gaya ng yung trabaho o hanap-buhay, bahay niyo, tricycle, cellphone, sakahan, kapirasong lupa sa paso o kahit na ang pagiging katekista. Ang buhangin ay ang lahat na – paborito mong teleserye, paboritong ulam, paboritong kaaway, paboritong pabango, paboritong kasuutan, etc., – mga malinggit na bagay.”

ARAL:
Kung nauna mong inilagay ang buhangin sa bote, eh wala ng lugar para sa maliliit at malalaking bato. Gayundin sa ating buhay. Kung uubusin mo ang inyong lakas sa mga buhangin ng buhay, mawawalan ka ng panahon sa mga napakamahalagang bagay para sa iyo. Pagmasdan mong mabuti ang mga bagay-bagay na nakapagdudulot sa iyo ng tunay na kaligayahan. Makipaglaro ka sa mga mahal mo sa buhay. Lambingin mo ang iyong asawa. Makipag sayaw ka sa buhay. Unahin munang pangalagaan ang mga malalaking bato – mga bagay na tunay na mahalaga at pinapahalagahan din ng Diyos. Buuin mo sa buhay mo ang dapat unahin. Alalahin mong ang karamihan sa buhay ay buhangin lamang. Huwag sana tayong mahulog sa patibong na ito: Noon ang tao ay minamahal at ang mga bagay ay ginagamit; ngayon, ang mga bagay ang minamahal at ang tao ang siyang ginagamit.
Ang Mga Mahahalagang Bagay sa Buhay (Kuwentong May Aral) Ang Mga Mahahalagang Bagay sa Buhay (Kuwentong May Aral) Reviewed by Jim Lloyd on 7:37 PM Rating: 5

1 comment:

Unknown said...

SALAMAT PO SA NAPAKAMALIKHAING KAISIPAN ANGUMAWA NG GANITONG NAPAKAGANDANG KUWENTO NA MAGDADALA SA ATIN SA ISANG MALALIM NA PAGNINILAY.
MARAMING MGA KATEKISTA ANG NAGPAPAPATULOY NA NAG-AALAY NGKANILANG MGA SARILI, NG KANILANG ANGKIN GALING, HUSAY, TALINO, ANGKING BUTI ETC.PARA SA SIMBAHAN.
ANG MGA KATEKISTANG ITO NA MADALAS NA HINDI NARERECOGNIZE NG ATING SIMABHAN, LAGING NASA LIKOD,PERO PATULOY NA GUMAGAWA AT TAHIMIK NA TUMATALIMA SA SINUMPAANG PANGAKO NG KANILANG PAGIGING KATEKISTA.

SANA DUMATING ANG PANAHON NA MAKITA DIN NG ATING SIMBAHAN ANG HALAGA NG ATING MGA KATEKISTA, DAAN PARA MAGPATULOY SA BOKASYON NA KUNG SILA AY TINAWAG NG DIYOS.

GOD BLESS PO SA MAY AKDA NG KUWENTONG ITO. PLS ALLOW ME TO USE CRAFT SA AKING FORMATION SA AMING PAROKYA.
SALAMAT PO.

GUMAGALANG,
BR. POY SOLANOY

ads
Powered by Blogger.