Ang Ipis (Kuwentong May Aral)


Sa isang restaurant, isang ipis ang biglang lumipad at dumapo sa isang babae. Nagsimula siyang magaralgal dahil sa takot. Bigla siyang napatalon at napasigaw habang pilit na inaalis ang ipis sa damit. 

Nakakahawa ang kanyang reaksiyon sapagkat ang mga tao sa katabing mga mesa ay napasigaw din at nagkagulo. Matagumpay na naalis ng babae ang ipis sa damit ngunit dumapo ito sa isa pang babae sa kabilang mesa. Ngayon, ang babaeng ito naman ang nagsisigaw sa takot. 


Nagawang mahagis ng babae ang ipis at dumapo ito sa damit ng waiter na tumangkang tumulong sa kanya. Ang waiter ay kalmadong tiningnan ang ipis sa kanyang damit. Pinagmasdan niya ang ipis sa pagkakadapo nito. Huminga siya ng malalim at nang sapat na ang kaniyang kumpiyansa, hinawakan niya ang ipis gamit ang kamay saka ito inihagis sa labas ng restaurant.

ARAL:
Ang kawalan natin ng kakayahan na harapin ang problema ang siyang nagdudulot sa atin ng kaguluhan. Gaya ng kuwento, hindi ipis ang dahilan bakit nagkagulo ang mga tao sa restaurant sapagkat hindi ito nakagambala sa waiter. Sa ating buhay, hindi ang pagsisigaw ng ating ama o ng ating amo o ng ating asawa ang nakakagambala sa atin, ngunit ito ang kawalan natin ng kakayahan na maging mahinahon sa ano man ang sitwasyon, harapin ang suliranin at magbigay ng lunas. Sa anumang sitwasyon, ang ating reaksiyon ang tutukoy kung ang isang bagay ay lilikha ng kaguluhan sa ating buhay o hindi.

Ang Ipis (Kuwentong May Aral) Ang Ipis (Kuwentong May Aral) Reviewed by Jim Lloyd on 4:16 PM Rating: 5

No comments:

ads
Powered by Blogger.