Suweldo (Kuwentong May-Aral)
ANAK: Tay, pwede bang mag tanong?
TATAY: Sige anak, ano yon?
ANAK: Magkano 'tay sweldo mo kada araw?
TATAY: Di mo na dapat paki-alaman yon! Bakit mo naitanong ganyang tanong??
ANAK: Please 'tay, gusto ko lang po malaman sweldo mo sa isang araw.
TATAY: Kung alam mo lang, sumasahod ako ng 500 pesos isang araw.
ANAK: Ohhh.. (napa yuko ang ulo)
ANAK: Ah 'Tay? Pwede bang maka hiram ng 200 pesos??
Medyo inis na napa-isip yung tatay.
TATAY: Kung ang dahilan mo ng pagtatanong kung magkano sahod ko kada araw ay yang walang kwentang dahilan mo at para makabili ka ng laruan mo, pumunta ka na lang ng kwarto at matulog! Nagpapakahirap ako mag trabaho araw-araw para lang sa makasariling dahilan na yan??
Tahimik na pumasok ng kuwarto ang bata at isinara ang pinto. Umupo ang tatay at mas nainis pa habang iniisip ang tanong ng bata. Pano niya naisip na magtanong kung magkano sahod ko kada araw para lang mangutang? Pagkatapos ng isang oras huminahon ang tatay at nag isip uli bakit siya natanong ng bata. Baka naman kaya nanghihiram ng pera ang anak ko ay may kailangan talaga siyang bilhin na importante dahil madalas di siya humihingi sakin. Pumunta sa kuwarto ng bata at binuksan ang pinto.
TATAY: Anak, gising ka pa ba?
ANAK: Opo 'tay gising pa ko.
TATAY: Iniisip ko anak na baka kaya ka nanghihiram ng pera ay baka may bibilhin kang importante talaga. Baka masyado ko naging mainitin kanina. Eto na ang 200 pesos na hinihiram mo.
Tumayo ang bata at ngiting-ngiti.
ANAK: Ohhh.. Salamat po 'Tay!
Tapos may kinakapa sa ilalim ng unan ang bata at nakuha ang mga lukot na perang papel. Nakatitig ang tatay at mas lalong nagalit na sa bata. Dahan dahang binilang ng bata ang lukot na perang papel at tumingin sa tatay.
TATAY: (Pagalit) Bakit kailangan mo pang manghiram ng pera kung meron ka naman na pala???
ANAK: Dahil hindi po sapat ang perang naipon ko, pero ngayon po sakto na Tay.. 'Tay, meron na po akong 500 pesos. Puwede ko po bang bayaran ang isang araw mo bukas para makasama at makalaro man lang kita mag hapon? Gusto po kita maka laro...
Natulala ang saglit ang tatay, tumulo ang luha..pagkatapos, niyakap niya ng mahigpit ang bata. Humingi ng tawad sa lahat, lalo sa kawalan niya ng oras para sa anak.
ARAL:
Marahil nga naiibigay mo ang pangangailangan ng iyong pamilya subalit sa kagustuhan nating kumita ay nakakalimutan na nating maglaan ng oras para sa kanila. Bilang isang magulang, hindi lamang material na bagay ang kailangan ng mga anak, kailangan din nila ang ating gabay at presensiya. Maglaan ng oras para sa ating mga mahal sa buhay. Tandaan, ang iyong mga masasayang alaala kasama ang pamilya ay madadala mo sa iyong pagtanda at hindi kailanman matutumbasan ng anumang halaga.
Suweldo (Kuwentong May-Aral)
Reviewed by Jim Lloyd
on
12:52 PM
Rating:
No comments:
Post a Comment